Inalis nila yung the huling dalawang periods of class para makabigay ng oras para sa Magis Awards. It was basically awarding for people na naging outstanding club members. Sa totoo lang, wala kaming ginawa for two hours, kundi tignan ang mga awardees na umakyat sa stage. Super fun.

Nang dahil sa fun na to.

Hindi ko alam kung bakit palagi ko tong pinipicture. Hahaha. Share na naman muli.

May meeting yung Padre Faura (Science Club) pagkatapos ng program. Nahihiya akong sumali dahil I had been inactive for almost whole year, even sa Science Camp di ako nakasali. Sabi naman kasi ni Sir Jan, our club moderator-slash-science subject teacher na may apat daw na science camps this school year.

Anyway, kinakailangan naming isegregate ang mga trashes into Recyclables, Compostables, Dry Paper, at Other Wastes. Kasunod, dapat namin timbangin yung nakolektang basura. I was feeling good, especially knowing that I came to this extent of being Mother-Earth loving.  

Birthday nga pala ni Isaiah ngayon. Or birthday celebration. Hindi ako sure, all I know is sabay silang nagcecelebrate nina Izzeah at Len. On the way to their house was a jeep pakyaw’d by the 2 - DLC’s.

Susunduin pa ni Isaiah yung girlfriend niyang si Ate Donna, so dumiretso na kami sa bahay. Nakakahiya dahil nandun na kami, wala pa yung birthday celebrant.

The DLCVANITY strikes again.

Malapit nang mag9 PM nang umuwi ako. Si Gea at ako na lang kasi yung natira. Then eventually I had to go home dahil inaantok na ako. See yah.

(Source: tumblrngisanglalake)

The whole HR period was spent para sa discussion namin tungkol sa Farewell party. Parang ang dali lang natapos ng school year nato. Time moves in mysterious ways. Ay, love pala yun.

So tentative pa yung time namin. Sabi kasi nila, kung 18 ang day for our Farewell, marami ang hindi makakapunta. Isa na dun si Carach, dahil di daw papayagan. Isa na din si Isaiah, dahil 40th daw ng Lolo niya.

Marami din ang  di papayagan ng mga magulang dahil malayo ang place. Ay oo nga pala, dun kami sa Cawayanon, Bukidnon. Free na, dahil landowner sila Martin dun. Excited weeeee.

Sa Biology din pala, naganap na yung role play namin tungkol sa Pregnancy. Isa ako sa mga narrators na may hawak na karatula. Ang first sign na ipapakita ko sa kanila ay “Ang Nakaraan.” Ang nakaraan ng isang kwento tungkol sa pregnancy. Alam na.

Ang pangalawang karatula naman ay tungkol sa size ng fetus at a particular time. Nakalimutan ko which month. Matalino eh.

After classes, yung mga girls pumunta sa New Canteen. Weird kasi usually, dun talaga sila sa Old Canteen. Dahil dun din naman ang papunta ko, sumama nalang ako, hinihintay sina Isaiah, Neil at Ivan dahil sabay sabay kaming magpagupit. 

Nang malapit nang magfive ay sumakay nadin kami ng jeep pauwi. Dun kami sa tapat ng XU Main nagpagupit. Gabi na ng naka abot kami. Nagkwentuhan nalang habang hinihintay matapos ang mga barbero.

Ito naman si Ivan, di ko namalayang napasakamay na pala yung cellphone ko sa kanya. He took a video on our conversation, pati yung mga topics about our classmates. Teng-ene naman. Nasa phone ko pa rin hanggang ngayong yung video. Remembrance kunyari.

(Source: tumblrngisanglalake)

May good news! Kanina sa Morning Assembly, nag-expect kaming isasabi na yung results sa Music Recital last week, pero next week pa daw sabi ni Sir JP. Yung good news nga pala, napanalunan ni Hannah yung first place sa essay writing niya.

Kaya maya’t maya’y ibinigay din ni Ma’am Michele yung medal.

Ayan na naman si Mary, umeepal. Hahaha.

Kanina din pala sa Social Studies, nagstart na yung My Nationalist reporting. Ma’am said na the order of presentation would be voluntary. I didn’t volunteer. Period.

Sinimulan na ang reporting sa Florante at Laura. Dahil ikalimang pangkat kami, siguro’y next week pa kami magprepresent. At matre-train ko din ulit yung procrastination skills ko. Woohoo.

Anyways, it was Group 1’s turn today, and to be honest, wala talaga akong maintindihan. Hindi dahil ‘di sila ganun kahusay magreport, kundi mahina lang talaga comprehension skills ko when it comes to Filipino stories. Kahit gaanong taas ang gabay na talasalitaan, wala pa rin akong maintindihan. And while the presentation was going, I was doing nothing at all. Nothing at all… Nothing at all…

After another day sa school, nagsnacks kami sa SM. As usual, sa McDo kami. Naisipan kong i-avail itong coupon na ‘to. It was sulit, considering na Medium na ang Fries at Coke Float yung drinks.

Was with Andot, Rika, and Vee nga pala.

Vee eventually had to leave, kasi uuwi na ang ate niya. Nakalimutan niya yung English literature book niya sa table, so si Andot na daw dadala. Matapos nun, umuwi din ako, at nasplak kaagad sa kama. 

(Source: tumblrngisanglalake)

As usual, morning assembly this morning. Last year and the preceding ones, we used to have our MA’s in the covered courts. Pero since the teachers complained and all, na wala na raw’ng time natira para sa HR. Home Room kasi is the period when our moderator makes turo-turo to us, especially in aspects of social development with my classmates. Including na rin academics.

But for us, it’s just another one hour period to make our assignments.

Oral Exam na naman namin pala sa Social Studies. You know what that means. Anyway, pangalawa akong tinawag, right after Niña. Mas madaling mabunot earlier than later, so I’ll have the whole choices for myself. 

Sa Math naman, may boardwork. Not entirely the recorded one, pero yung tipong isusulat ang answers ng assignments for checking. Out of boredom, look what happened to Pauline’s calculator!

Adik.

Nang Filipino time na, Ma’am said na we’re going to have our ummm. IDK, nakalimutan ko how it’s called. Basta, we’re supposed to read our self-written tula on the platform.

Usually, this would be boring. PERO, isang malaking pero, Valentines’ yung theme dapat ng poems namin, so alam na. Puno ng asaran at kiligan, at sampalan at kidlat. Oo, so anti-climactic dahil na timing na it was a stormy day. So pwede na ring sound effects yun.

And it was like:

Noong unang panahon, damang dama ko ang pag-ibig
Sa nakaraang mahal, —

And my teacher and classmates were like

 

So yeah. Bukas pa pala yung turn ko. Dahil I hadn’t made one yet. Wahahaha. So yeah.

(Source: tumblrngisanglalake)

Papalapit nang papalapit na yung Story Telling Contest. At papahigpit nang papahigpit din yung practices namin. Direct Variation. Our scriptwriter, Hannah, prepared na the Script para sa judges.

May gift siya dito. Ang talented niya talaga!

Inilaan na naman yung English period namin for a story telling practice. The backdrop was already there too. Maganda naman yung backdrop, I admit, considering the time constraints we had underwent.

Sa Biology namin, may pa Overhead Projector pang nalalaman si Sir Jan. We discussed about something. Ewan ko, nakikipag kwentuhan lang naman ako sa mga katabi ko.

Taking pictures during class like a baws. (As if di ko to ginagawa palagi.)

Well, Mary said na before kami uuwi, may konting run through muna kami. So we did. Though sa classroom lang.

Dahil nga’y Valentine’s na bukas, dumaan muna ako sa 1top para bumili ng cards. Then I printed wallet size photos of forever alone dudes. I was on the process of makin it pa. Siguro bukas ay matatapos ko na.

I made one for all the girls in DLC. Wala kase akong money for roses. LOL! Then sinulatan ko each letter ng personal message. Sige. Katulgon nako. Bye.

(Source: tumblrngisanglalake)

NO CLASS YEY! :)

OH NO, FEVER, NO! :(

Nagpractice ang DLC para sa kanilang story telling.

Yes. Kanila. Third person. I wasn’t able to join kasi umandar na naman yung hives ko. Ang kati talaga. To the max. Nakakainggit sila kasi they made GIF’s pa with their pictures sa cam ni Novel. Sayang, pangwebpage sana yun. :(

HAHAHA! 1D daw. F. x)

(Source: tumblrngisanglalake)

And so it began. The HELL WEEK.

We had so much to do, and recess isn’t enough for us to prepare for the next two upcoming periods.

As usual, every Monday we have our MORNING ASSEMBLY and HOMEROOM. Meron kaming activity sa HR, which was about friendship tree or mood tree, I forgot the title. Basta, it was all about initials ng friends mo na isusulat sa isang fruit, then you color code it base on the following:

Green - Happy
Purple - Not so happy
Orange - Neutral
Yellow - In love
Blue - Cold
Black - Sad 

(As far as I’ve remembered)

Alam n’yo kung ano ang nilagay ko?

DLC (De La Costa) - Black
WB & RB (Wena Borres & Roy Borres [Parents]) - Purple
CT (Charmain Tejero [Moderator]) - Blue

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko kanina, but I think it was because nadadala na ako sa pressure ng Hell Week. Everything seemed going against me, even my friends. LOL, baka kasi hindi lang ako prepared. :/

Siya nga pala, before the period ended, Ma’am arranged us according to the new seat plan. My new seatmates were Hannah and Pauline. Yung front ko naman ay sina Isaiah, Niña, at Novel.

And so, after recess was the moment of truth (part 1). ENGLISH. It was the group presentations of our story telling. Bawat pangkat sa amin ay may naka-assign na country. Ours was Thailand, Group 1 was Japan, Group 2 was India, and Group 3 was South Africa. Our story was pretty lame, so we pretty much deserved being scored the lowest.

The candidates for the chosen “story” were the group of Mary and Onur. Yung kina Mary, maganda yung story nila, nakakatuwa. It was about an African couple who throws their trashes everywhere. The old man in the neighborhood cursed his pregnant wife, at yung dinadala niyang baby ay naging “WHITE.” It was racism, we admit. But what gives? The story was funny and well-presented.

Meanwhile, the group of Onur has a different kind of story. It was about two Indians who were best of friends. One day, Jake got ill and Onur, being his best friend, had to find some ways to cure him. He then joined a band in order to win so that they can cater Onur’s family’s financial needs. Funny din naman siya, although the originality wasn’t that convincing dahil may pagka “3 Idiots” ang atmosphere.

In the end, we chose Mary’s group.

Dahil nga’y pressure na pressure ako, I wasn’t able to take pictures.

Now, another moment of truth (part 2). Sa SOCIAL STUDIES order of plays, pangatlo kami. I was the main actor for our group. Yung ginampanan kong papel ay si Alfonso de Albuquerque.

Tinatanggap ko na hindi nga kami ang may pinakamagandang presentation, ngunit ang sinasabi ko lang naman ay hindi rin kami ang tumanghal ng pinakapangit. LOL. Ang husay nga ng ibang group eh. May nalalaman pang sound effects.

The bell didn’t let us finish. May dalawa pang group (Oniel’s and Novel’s) na hindi pa nakatanghal.

LUNCH came pretty much faster than the norm. Dahil siguro’y pressured na pressured na talaga kami. Dinala ko yung copy ko for the talumpati, kasi sa tingin ko’y tatawagin na ako ngayon upang itanghal ang aking piyesa. I spent the whole lunch practicing and practicing.

BIOLOGY was full of you-know-what’s. I vaguely remember dahil nga’y pressured pa rin ako for Filipino period.

Sa MATH naman, we had our Math Song practice sa covered courts. BUKAS na kasi yung final presentation. Even though hindi naman siya practice, todo-effort pa rin kami dahil may mga audience naman bukas. LOL

And now, the moment of truth (part 3). THE FILIPINO TALUMPATI. Yung number ko was 39, tapos the number nagstart kanina was 20 (since this wasn’t the first day of the talumpati). Bumihis na talaga ako ng costume ng isang merchant. Kabadong-kabado nang tinitignan ko ang mga kaklaseng tumatanghal.

In the end, hindi lang din naman ako natawag (SUPER EPIC FAIL). So hinubad ko yung costume at nilagay ko nalang sa locker para hindi ko na dadalhin-dalhin pa bukas.

Nung dismissal na, we had our final practice for the Math Song sa soccer field. This time, Ma’am Gin was watching us, so kinakailangan talaga naming bumigay effort.

This was before dumating si Ma’am. HAHAHA

Umuwi din ako pagkatapos. LE END~

(Source: tumblrngisanglalake)

We had no class today because of reasons. Teka, Chinese New year pala; first time in the Philippine history for it to be considered as a legal holiday. Since there’s no class, there’s nothing much to blog about. 

Reading of Honors na bukas, and since awardee ako, kinakailangan ko’ng mag groom-up at magpagupit. Having zero balance, nagpasama nalang ako ni Mama, dahil nga raw ay magpapagupit at magpapagirly-stuff siya ng kanyang hair.

6:30 na nang nakarating kami sa Lim Ketkai matapos namin sinundo ni Papa si Mama sa office niya. Dumiretso na kami sa Ystilo at we had let them do their job. Dito ako usually nagpapagupit since like 2 years ago, even though nakakabutas nga ito ng wallet. The output is always beyond expectations; priceless..

Before.

After.

Yuck. Hahaha. Di naman talaga ako vain, pero what are cameras for?

Una ako natapos dahil nagpagupit lang naman ako, si Mama kasi nagpahaircolor and girly stuff pa. So Pa & I decided to make lakwatsa nalang. Pumunta ako sa National Bookstore tumunging ng mga books baka sakaling may magustuhan ako. Fortunately, meron nga.

Unang-una mong masasabi kung makikita mong nagbabasa ako nito ay “NAGBABASA KA NIYAN?!” 100% sure. Tignan mo yung author ulol. Spoof yan ng precious hearts romances or idk what was that cheesy twitams book was called. Instead of Lumayo Ka Man Sa Akin, Bob Ong changed the title to something more funny. It ruins the book in a cool way. HAHAHA. Normally, I wouldn’t even dare to take a glimpse on books with hearts on it and with a pink-shitting cover and something with the word “love” on it. But by knowing who wrote this book, cri-noss ko nalang fingers ko hoping for the best. And as far as I’ve read, cool naman.

After buying the book, a plastic envelope, and a metal-chain-puzzle-thing, bumalik na kami ni Papa sa Ystilo, nagbabakasakali kung tapos na ba yung hairdo ni Mama. It was okay, I guess.

Since sasara na yung Ketkai by 9:00 pm, napagsiyahan naming sa Jolibee Vamenta nalang kami kakain.

Umuwi kaming busog. Haha.

(Source: tumblrngisanglalake)

Nagkasakay na naman kami muli ni Antonette. Himala yun, kasi medyo late na siya nakarating sa sakayan compared noon. Hindi n’ya nalamang kinunan ko siya ng pic. LOL

As usual, gumawa ako agad ng English assignment ko kanina sa classroom. Nakakayamot pa nga dahil kinailangan pang bumasa ng dalawang story. Dahung Palay at saka Madman on the Roof. At dahil nga’ng isa akong magaling na estudyante, hindi ko na tinapos ang pagbabasa. Nakakainip kasi, lalo nang dahil sa hindi ko tipo ang kwento.

Nang nagring na ang bell, tumayo kami lahat para sa Morning Assembly. Routine every Monday; prayer, Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, XUHS Mission and Vision, and XU Hymn.

Dahil 15 minutes lang yung Morning Assembly, marami kaming oras para sa HomeRoom na subject. Itinalakay namin ang tungkol sa Area Revisitation na magaganap mamaya. Sina Shirlene at Novel nanaman ang nag take-over. After that, sinimulan na namin yung Activity #10 sa HR. 

It was about extending gratitude towards God’s gifts and blessings. Di ko natapos dahil muli na namang nagdiscuss sila tungkol sa Area Revisitation mamaya.

Matapos ang recess ay English na. Ipinasa ko na yung assignment, kasama ang iba kong mga kaklase. After some quick recap about the two stories, Ma’am Michele told us na our class will be divided into two. The other group’s was The Madman on the Roof, while ours was The Dahong Palay. I didn’t know if I should’ve felt happy or not, but by judging my groupmates’ reactions, I knew for the fact we’re doomed.

Sa Social naman, nagkaroon lang kami ng konteng activity sa book. Sinabi rin ni Ma’am Gerlie na by Thursday, may speak up daw kami. The activity was intended only for those who have with them their Reading Materials. Kung wala daw, may ibang ipinagawa si Ma’am. Annoying, dahil kung kelan ako ang may nawalan, ako pa ang napapapunishan.

Sa lunch, naglaro lang kami ng Rubik’s cube. Nakita ko ring nagpractice ang ibang boys para sa presentationg nga daw nilang Chicken Dance para sa AreaRev, pero hindi natuloy kasi wala pala silang speaker. Sobrang Epic Napaka Fail.

Kita n’yo yung supplies sa Table? Binili yan nila shirl, para AreaRev mamaya. Toiletries and other etc. HAHA, other etc.

Biology time, nagdiscuss lang kami tungkol sa Monera and Bacteria and other scientific names of dirt I really don’t care about. Nagquiz naman kami, and as usual, malapit nang ma perfect. HAHAHA, yan ako, may pa echos echos pang “I don’t care,” pero sumisikap na pala.

Nakita ng isa sa mga classmate ko na kinunan ko ng picture ang paper ko. Baliw na daw ako. Ako Budoy.

Sa Math namin, nagdiscuss lang naman kami tungkol sa Direct Variation. Medyo easy lang naman siya, dahil siguro’y may Math Song pa kaming ifocus.

Absent si Ma’am Lorena nung Filipino time kaya si Sir Sylvester Pe ang naging substitute teacher namin. First time ko siyang naging guro, kilala ko kasi siya. Funny naman siya, at first akala naming napakaserious. In the end, gumawa kami ng sanaysay tungkol sa Sendong. Hindi rin namin natapos, dahil nga’y tumunog na ang kampanilya.

Bumaba na din kami at inilagay na ang mga gamit sa Chapel. Dumiretso ako sa Jeep, kasama ang 20 kong mga kaklase including Ma’am Charmain. Sina Shirlene at Jake katabi ko, nasa harap ko naman sina Mary at Oniel.

Hi Ros!

Nakarating na din kami. Compared noon, medyo madali-dali lang ang travel namin this time. Honestly, mas na eenjoy ko kasi yung road trip, kesa the actual purpose ng aming pag a-out of school activity. Dahil nga’y tapos na yung fly-over, di na kami umikot upang makarating dito sa Social Development Center, Macanhan.

Hindi lang mga bata ang nandun, may mga ka-age din kaming mga teenagers.

Rika and Hannah with their presentation, “Hawak Kamay.”

Paint Me a Picture. Ankyut nila.

Bilang snacks, binigyan namin sila ng sandwiches at Tetra Pack na juices.

Isaiah, Kimmy Borby, and Gea. :)

Pauuwi na to. Dumating na ang gabi bago kami nakabalik muli.

Dahil hindi pa ako naglocker, umuwi na sila with the jeepneys we have just ridden. Nataranta na ako, dahil I can’t find my key for the locker. After an eternity for searching inside my bag, nakita ko na sa likod ng ID. Fvck. Pumunta na rin ako sa 3rd floor para maglocker. Shet, ang dilim nun. Napaparanoid ako na may biglang tatalon sa likuran ko.

After going outside, kababacking pa pala ng jeepney with DLC. Kaya nagjoin in nalang ako. May space pa. Plus points. KATABI NIYA. Plus plus points. Umuwi na rin kami, at in one way or another, we went home becoming heroes. Chos.

(Source: tumblrngisanglalake)

Half day pala kami. Alternative classes kasi namin ngayun, nagreflect tungkol sa Sendong. Nakakaawa talaga ang mga classmates kong na “victimize”. Apat sila, puro girls. (Victim naman rin ako, kaso kinaya lang namin dahil knee-level lang naman pumasok sa silid namin. Hehe)

May schoolmate nga kaming namatay, 1st year. Nakakaawa talaga, biruin mo, lahat silang tatlong makakapatid nadeado? - -” Nakatira kasi sila sa Emily Homes, Macanhan. It’s a subdivision located near Cagayan River, kaya ito talaga mostly affected.

Ako? Naawa? May puso rin naman ito, kahit gaano man katigas. LORL!

Pagkatapos pala ay dumiretso na rin kami sa SM para mananghalian dahil Half Day lang kami. Kasama ko ang few of my closest friends in 2-DLC. (Isaiah, Kim, Rosfer, Jake) Sadly puno yung mga fastfood chains. Kaya umuwi nalang ako. *cries.*

(Source: tumblrngisanglalake)

Follow @fangkii