Eto pa pala. Pahabol para sa post kahapon. Last period for the last regular school day. Sa pintuan to ng Computer Lab.

First day of Examinations ngayon. First day pa, whole day pa. I don’t really remember what happened. All I know is magkasabay kami ni Cams maglunch sa old canteen. Nagreview while kumakain.

May naalala pa pala ako. Akala ko that time na 1:30 PM pa yung last exam. Turned out I was 30 minutes ahead of myself. So yeah, muntik na akong malate. Yun lang.

Ikinagagalak kong sabihin na sa panahong isinulat ko ang salitang “wednesday” ay isinasaisip kong pinapantig ang “wed nes dey” upang tama ang spelling.

Music time. Nag quiz tungkol sa Circle of Fifths.

Sa Old Canteen ako dumiretso para magsnacks. Dahil bitbit bitbit ko ang laptop, nagpaturo sina Trisha at Shaira sa webpage nila. Hindi naman ako busy, kaya pumayag nalang ako.

(Source: tumblrngisanglalake)

HAPPY LEAP YEAR (or DAY)!

Spent the whole lunch period para tapusin yung assignment namin sa English. Tungkol yun sa pagdidifferentiate ng Animal Farm sa movie version at saka sa book.   Putik talaga eh, nakalimutan ko kahapon. Buti na lang after lunch yung English period.

So before mag-English period, may discussion kami tungkol sa Circle of Fifths sa Music. Dito, masasabi kong may advantage pala kung may beadle board ako: kasi matatago ko ‘tong pambihirang takdang-aralin while I’m making it. *Evil Laugh*

Forgot to take my medicine kanina, so bumalik na naman yung hives ko. Dahil napakaweird kung tignan, my seatmate, Hannah, drew on it. Tignan n’yo oh! Di na ako mawawala dahil may mapa na ako sa mundo. May compass pa!

Sumakit yung circle thingy sa itaas. Kakapush ko. Gamit ang bottle cap. Genius.

SO ANYWAYS, wala naman special sa araw na to, maliban sa leap year.

(Source: tumblrngisanglalake)

Misa para sa Miyerkules ng Abo namin kanina. Matapos nilagyan yung Ash ang noo ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga mapigilang hindi kamutin ang abo. Sabi nila, it’s a sign daw na nawawala na gradually yung sins ko. Sabi naman ng iba, hindi na-contain ng ash lahat ng mga kasalanan ko. HAHAHA! Whichever goes fine with me. The devil itself is me kasi.

Lunch time, doon kami sa soccer field sa likuran ng tennis court. Some prepared para sa Reporting sa Filipino. Pero kami, sinadya naming doon lang maglunch dahil malapit lang ang Music Room doon, which is first period namin in the afternoon.

Kinareer ni Andot ang pagiging star ng Flipped (A movie na hindi ko napanood dahil late ako pumunta kina Cams. Long Story here~). Si Andot at Chinny yun sa picture. Hindi ko nakunan yung sila dalawa ni Cams. Love team ng DLC.

And that’s VeeVee there. Siya daw yung heart. Chos. 

So right after which, nagkaroon na naman kami muli ng practice sa Music Recital. Then the day pretty much ended the way it used to like every other day.

So yeah. (Napansin ko lang, I’m always saying So yeah.) Anyways, so yeah. Later na yung Story Telling namin. We had the wrong edge and a big disadvantage kasi we are the first presenter. Hindi naman sa hindi kami prepared, pero the Judges’ attention ay wala pa sa amin. We will be the comparisee (if there would be such word). Hindi kami makakapagstand-out kasi wala kaming previous presenter na macocompare with. Ugh, that’s a contest logic. It’s hard to explain.

Makikita nating “prepared” na ang props and backdrop sa likuran ng classroom namin. Feel na feel na yung tension as classroom. Mamaya na. Mamaya na. The moment we have been preparing for. And like uuuugh. Damang damang damang dama na talaga ang pressure.

Hindi ko pala namention na papalapit rin yung Music Recital namin, and so when Music period came kanina, nagpractice muli kami ng piece naming “Together We’ll Rise Again.” Someday, ipopost ko rin yung lyrics. Maybe when presentation time na. 

There’s Hannah. Our Song Writer and Music Director. :)

^ The rap part.

(BULLSHIT. ANG DAMI KO NANG NA TYPE, BIGLANG NAWALA. SHIT FUCK. ITATYPE KO NANAMAN MULI.)

Supposedly, English sana ang period right after Music, so therefore, we would’ve had our last practice by then. But since may epal na seminar na naman ng Guidance Office tungkol sa love-love-relationship-mwah-mwah-tsup-tsup-ay-teka-huwag-muna-bata-pa-kayo, yesterday was officially the last day of practices. So kinain nitong Seminar ang buong dalawang oras, including Math, which was one of the advantages. (The ONLY advantage.)

Mukha nga kaming mga tanga, dahil bitbit at dala-dala namin yung props and costume dun sa Multi-Purpose Room.

So matapos nun, dumiretso na kami sa Covered Courts para magbihis. First presenter kasi eh. Punyeta kasi eh.

^May head dress pa yan dapat. Andun sa SUN na paper bag.

Si Isaiah at Onur. Saisai’s one of the tourists, tapos si Onur yung main actor namin.

So yeah. Moments later ay sinimulan na yung program. This was it. The moment of truth.

Joke. Nagva-vain mode muna yung De La Costa. Eto na talaga yung real moment of truth.

SOBRANG FAIL talaga ng part ko. I was supposed to raise the plant, pero I still had to find it in the basket. I told Onur to give me the plant immediately, pero he still gave me the basket. At yung magaling pa naming voice actor na si Jake, said the lines na agad without looking at what’s happening onstage. Hahay. Well.

Since we were the first presenter, may 9 sections pang susunod sa amin, so we still had lots of time to spend for lollygagging. And by pasttime, I meant like these:

So sinabi na ang results right after the program. To call a spade a spade, WE LOST. It was our biggest loss in the history of De La Costa ever losing. Well, katapusan na naman ng school year, and we regret nothing. 

Nevertheless, though we may have been the biggest loser (too harsh), nagkaroon parin kami ng reasons to smile and be happy and blah blah all those encouraging stuff.

That’s the De La Costa way.

So yeah. After going through all the drama, the downtowners and I decided to have a quick snack doon malapit sa Xavier Main. Thus, the Kwek Kwek Revelation Part 2 sprang into existence. Nagkwentuhan lang kami, nagkatuwaan, trying to forget everything. All is well.

(Source: tumblrngisanglalake)

"What a day." Hannah said as I scan through my notes in Mathematics. Chos, parang novel te? Pero totoo naman yung sinabi niya. The day ended exhaustively well. Bago ko muna tapusin to, sisimulan ko na muna. DUH

Napaka-boring na talaga tuwing FILIPINO time. Hindi ko talaga alam kung bakit. Mahusay naman mag-explain si Ma’am, I admit. Pero I think parang my kulang. Di ko na naabsorb ang tinuturo niya samin tungkol sa Florante at Laura.

Ginagawa ko talaga to every time lumalabas yung class namin: (especially during PE)

Beadle kasi ako, and I am RESPONSIBLE nga daw for closing and locking both front and back doors of our classroom. And every time we go back to the classroom, kinakailangan ko pang kunin yung key from the Library. Kaya I do this nalang before I go out (I pass to the other door, duh), at sinisugaro kong naka-lock ang both doors. Yun lang. Para din if may nag-check kung locked ba, maloloko sila. (Bwahahaha) [TO ALL XUHS STUDENTS: WHAT’S IN TUMBLR STAYS IN TUMBLR]

Turn kong magBadminton 1vs1 ngayon sa PE, that’s why nagpractice kami ni Isaiah dahil we expected na kami ang lalaro. But the pairing system wasn’t alphabetical, so si Andot ang naging kalaban ko. It was an easy start, naka 5-2 nga ako. But in the end, he won. Fvck. 6-8. After a while, nagrest muna ako sa benches at naisipan namin ni Quennie na maglaro ng Badminton naka-upo sa benches (bali may 2 benches). Dahil sa katuwaan at ka-weirdohan ng ginagawa namin, sumali sina Elyza, Trisha, Jas at iba pa. The shuttlecock we were using was Pauline’s, pero nahulog siya sa itaas ng pile of chairs. I had no choice but to get up there.

After a long time of searching, nakita ko na rin. Nakita nina Chinny at Len yung ginagawa ko, and they thought I was playing Bahay-Bahayan. Kaya umakyat din sila.

After that, pumunta na ako sa Faculty room para kunin ang class list from Ma’am Gin, after her millions of reminders, naalala ko na rin. So I waited there for the whole RECESS, mukhang tanga na nangliligaw ng pa Romeo-and-Juliet style dahil sa railings lang ako nakakapit. She then arrived nung 2nd bell na.

We spend the first period of BIOLOGY's double period by having a check-up quiz about yesterday's activity in Nervous System. After that, we had lectures from Sir Jan, both in relation to topic, and lectures in relation to our “kaingayan.” Narecord ko in audio yun, even though hindi ko sinadya. (Bwahaha). May dinala pa siyang overhead projectors na nalimutan niyang isauli. In-between periods, naisipan kong magtago at kumain ng lunch, not caring whether or not I'll get caught.

EPIC FAIL WACKY. GAY SMILE FTW

Actually, naplanuhan ko na talagang I’ll spend my LUNCH period sa LRC, pero naalala kong magprapractice pa pala kami for our Music Recital. Taz changed some of the lyrics, para ma-change na din yung off-key na tune namin.

Ni-lock nila yung classroom, therefore Rika and I had to get the key from LRC. Then I used the same technique in locking the doors, then late na kami pumasok sa MUSIC. Binigyan kami ni Sir JP ng 15 minutes para makapaghanda ng aming recital piece. We were the 2nd to the last presenter, at last presenter yung group nila Hannah (my bet para sa Final). Unexpected, pero 62/65 yung score namin. It has “good melodic tune” daw at “meaningful lyrics.” Hannah’s group got a perfect score, yun ay ang expected. Nakuha ko pa ngang kunan sila ng video. Almost end of the presentation nila ko lang sila nakunan. Sorry for the poor quality.

VIDEO HERE :)

Heh.

After Music was ENGLISH. This time, we really had a productive practice. Tumitingin kasi si Ma’am, at gusto niyang “flawless” daw yung practice namin. So everything went well. May video ako, kaso it’s too long to be uploaded. Haha, so eto, pictures nalang.

Fun period, dahil sa “mali” ni Trisha.

In MATH, wala naman kaming masyadong ginawa kundi magdiscuss tungkol sa Arithmetic Series at Summation. After magcheck ng assignments, we had seatworks and drills.

Before umuwi, nagpractice muna kami nang pangLast. Then with Andot, (umuwi na si Rika) I went to Right Stop pa para magsnacks. Bibili sana ako ng 1/8 illus.board para sa project in OSASI bukas, kaso nakalimutan ko eh.

"Pati ba naman Pop-Cola kinukunan ng picture. LOL"

Hindi ko na to matitiis. Itago ninyo ako! Loljk lang. It’s been one week since I had these itchy rashes. Bumabaga siya nang bumabaga, at mas lalong kumati. Nang nakarating ako sa school, I met Dane at I asked her to come with me to the school infirmary. The School Nurse said na hindi na talagi yun insect bites.

CONFIRMED: HINDI NA TALAGA YUN INSECT BITES.

Hives daw siya. Oo, HIVES. Tinatawag yun naming talagpi in our dialect. So she gave me a 10mg Ceterezine for anti-allergies. Nakakatakot siya (the nurse, and oh, my condition, too).

Nagdiscuss kami per group ng Florante at Laura sa FILIPINO. Ma’am told us na instead of role play, comic strips nalang daw gagawin namin. Hindi namin alam how it will work out. 

Nafe-feel ko na talaga ang effect ng medicine. First of all, my rashes were gone inasfast as I expected it would. Second of all, it was my first time to drink anti-allergies, so my body was in a shock. Third of all, I was feeling FUCKED UP. Ang tagal ko nang di nilagnat, kaya naninibago ako nung I caught fever again.

So when PEH was up, I was just sitting on the front risers, making no noise and pretending I didn’t exist. Nasusuka ako, tumitindig ang balahibo, nahihilo, di dahil sa pag-ibig mo kundi sa kundisyon ko. Thank God na hindi ko yun turn, kasi I was too weak to function. Nagtalk nalang kami ni Novel and made chikka2 about everything.

Nung LUNCH na, Nagpractice kami for our Music Recital. I had no clue about our off-key tune.

Good thing GRADED PRACTICE pa daw ngayon, and the real deal was moved next week.

After classes, pumunta kami sa canteen to spend some time. We were waiting for nothing, at nagkwentuhan lang almost all afternoon.

We decided not to go home yet, at pumunta muna kami sa bahay nila Gea. There we chat and made laughtrips and all. In short, Even though I wasn’t feeling that well, we had fun na naman for the nth time.

After I went home, binigay ko kay Nanay ang sinulat ng doctor kaninang recess. I needed 4 Anti-Histamines for my allergy. This would mean na I’d have to feel this way for the rest and the remainder of my life. x.x

(Source: tumblrngisanglalake)

Natrau-trauma na talaga ako. Toda max.

Nung gumising ako kanina, nakita kong punu-puno ang katawan ko ng mga insect bites. I don’t know when, I don’t know how, basta alam kong first time ko itong maligo ng alcohol. Ang kati teh. Wala akong magawa, I just wore my jacket nalang para itago ang bites sa arm ko.

Anywaaaays, first subject namin ngayon ang Filipino. TALUMPATI ang bumati sa *ehem* napakagandang simula ng araw namin. Pero since next week pa naman ako magprepresent, natulog nalang ako. De joke lang, may picture pa nga ako o.

15 minutes before the time, napansin ng mga classmates ko na kamot ako ng kamot. Napa ZOMG talaga sila nung niroll ko ang sleeves ng jacket ko, kaya sinamahan ako ni Friend paputang Infirmary, baka kasi daw allergies na. I was there for the rest of the period, dabbing ice on my lips kasi namamaga na rin. Hindi ako binigyan ng gamot dahil nga’y insect bites lang daw.

Lumisan na rin ako sa clinic after the drama, and when the bell has rung. PE time kasi namin nun, so sayang. 4th Quarter second year level was badminton. Look at our orangey class jersey.

Our activity was on how to pick the shuttlecock with your rocket. XUHS PEH DEPARTMENT: TEACHING STUDENTS HOW TO BE LAZY. Pero in-explain lang naman rin ni Sir Migz na that’s part of the real deal, that professional players aren’t allowed to pick birds with their hands. 2/3 lang score ko, out of 4 given attempts. Yah loser I know lol.

In De La Costa, recess time is always lunch time, and lunch time is always airconLRC time. Look at me! `Wag mo nang pansinin yung katabi ko. (HAHAHA, HI KEY!)

Double Period na naman yung Biology namin ngayon. Again, it was all full of microorganisms mumbo-jumbo-how-fungi-are-different-from-plants. I like how it drives me forcefully enthusiastic. By the second hour, sinagutan namin yung kailanma’y-di-malulumang Bato Balani. Size one nanaman ulit.

Pagdating ng lunch, dumiretso na ako sa LRC para magpa-aircon mag-study for the English long quiz, pero it turned out na napostponed. Nag-internet din ako katabi si Mary. Everytime dumadaan yung librarian, chini-change tab niya ang YOUTUBE - CITY HUNTER PART BLAH OF BLAH to AFRICAN SHORT STORIES TO TELL. Andaya niya. HAHAHA.

Ayan. Caught in the act. YOUTUBE.

Nang 12:45 na, lumabas na ako ng LRC para kunin ang gamit ko for the next subject, which was Music. Pumunta muna ako sa Canteen para bumili ng mango-float ice candy at C2. Nagulat naman itong si Sir JP nang first bell pa lang ay andun na ako. Usually, DLC peeeps arrive 5 minutes after the last bell has rung. HOHO. At dahil nga’y mabait *ehem* si Sir, wala naman kaming masamang napapala. What we did in Music was the making of the tune of our very own composed song dedicated to Sendong Victims.

Dahil nga’y postponed ang long quiz sa English, binigyan nalang kami ni Ma’am Michele ng time para mag-talk about sa story telling contest which will be by next month na iprepresent.

Sa Math naman, nagkaroon lang naman kami ng konteng drills at seatworks para ma-prepare kami sa long test bukas.

S’YA NGA PALA, BIRTHDAY NI NINA CARACHO NGAYON. ONE OF MY CLOSEST FRIENDS. HAHAHA.

Kaya ko lang naman nasabi dahil magcecelebrate siya at Calda’s. But before going there, Mary, Andot, Pachet and I decided to stay a little bit longer at school para tumingin ng Geometers’ Moves. Sa kalagitnaan ng presentation ng 3 - Bobola ay umalis na din kami.

It was almost 6 PM nang pumasok na kami ni Andot at Mary sa Calda’s. Fortunately, may pizza pa namang natira, so we dug in na and started eating. We stayed there for almost an hour para magtalk and celebrate.

HI CARACH! HAHAHAHA. I even got the chance to take a pic with the birthday girl. ;)

Afterwhich, nagpaalam na din kami para umuwi. There were no jeepneys, and after a while, napagsiyahan naming lumakad nalang patungong SM. There, together with Cams, Gea, Ishii, Razor, and Pauline, naghintay kami malapit sa Terminal. We did all kinds of tripping, and after a while we got tired na rin at umupo sa mga metal benches. After waiting for eternity, wala pa ring jeep. Cams told her parents na sundiin nalang siya, at maki-hitch nalang kami. 

Nalaman namin na traffic pala dahil 40 Days ngayon after Sendong’s outrage. One way lang daw ang Rotunda, kaya maraming people ang na stranded uptown. Just as sasakay na sana kami ng jeep, dumating na ang pick-up nila Camila. Dun kami sa likod, para fun.

Fun? Turned out that it sucked the living daylights out of what’s left of my manliness. The car kasi, instead of taking the usual route, we took the route the other way around, the way na sa Macasandig kami lalabas.

The roads even got darker as we went deeper, the same way our horror stories got even scarier and spine-chilling. It was literally the best night roadtrip ever.

Nang dri-nop na si Gea, sumama na lang ako. Pumasok pa ako sa bahay nila para makiinom ng tubig. My walk towards Lourdes College was a walk of paranoia. Lahat ng stories namin bumabalik nang bumabalik sa isipan ko. Nang nakasakay na ako ng jeep, ilang walang-hanggan na naman ang nakalipas bago umandar ang jeep nang tuloy-tuloy. Naka-uwi din ako sa wakas. :)

Prayer leader ako ngayon, kaya for the whole day ang platform namin ay winewelcome ako. Turn na nga rin pala namin para magexplain ng poster. Ang larawang aking iginuhit ay isang batang nabahaan ngunit tumatawa. Dahil nga’y base sa karanasan ang drinawing ko, more or less, totoo yung sinasabi ko figuratively.

PEH time kanina was awesome. Not really actually, pero we didn’t sweat that much. Badminton na yung bagong curriculum namin ngayon. Yung activity namin ay ang tamang foot work and hand gestures. May ibinigay si sir na hound-out na dapat naming sundin. In the end, naka 10/10 din kami.

Ito nga pala class jersey ko. Favorite number pa yung class number ko. :3

Double period ang Science namin, for 2 straight hours. Nagdiscuss na naman kami tungkol sa kinds of Protists. Nagquiz naman din kami, at 14 na naman ang nakuha ko out of 15. Ewan ko ba ba’t palagi nalang ako may one wrong. Siguro para yin yang. LOL

During Music time, tinapos namin ang nasimulan naming song compositions noon. Superlaughtrip ang naganap sa session hall, as I sing to them the Disyembre Baynti Sinko — Birthday Sa’tung Ginoo song. May renditions kami, at mas nakakatuwa pa. Wala kaming nagawang productive, eh kasi nga palagi lang kaming nag biruan. May napansin rin pala kami.

Honor Rocks, De La Costa suckk banga, Arope.

Curiosity Insecurity kills the cat.

English time ay puno ng pagprapraktis. Praktis tungkol sa dramang iprepresent namin ngayong Friday, dahil walang pasok bukas. 

Sa Math naman, 90% of the time, we were discussing nonsense. You didn’t know how I was longing for the other 10% inclusive of our Math song practice. Mas nakakanenjoy na pala if may guitar and beatbox. 

After nun, dumiretso na kami lahat sa Covered Courts para magpractice ng Reading of Honors. In the seating arrangement, si Trisha ang right ko, at si Onur ang left ko. Ako kasi ang *ehem* top 4 sa class namin. Yung mga katabi ko sa right, first honor students nah. Which means I’m top 1 sa lahat ng second honor students. *ehem ehem ehem gurgle schkloop.*

Matapos ang practice, pumunta ako sa MMV para pumunta kina Mary Gerali. Bago muna dumiretso, pumunta muna kami sa MMV Canteen para bumili ng snacks. Nakaka-asar pa yung shoes ko kase natatanggal yung sole. 

This time, si Trisha na naman ang nagtreat sakin, dahil yesterday, ako yun. Binilhan niya ako ng Pineapple Bread and Royal. Wew, oks na yun. 

Napaka-enjoying yung practice namin. Especially the part when we got confused of Friend saying “Chinese Woman,” “Try this Woman,” at saka “Try this Suman.” Nakaka-hyper yung laughtrip na yun. Haha, umuwi na din ako kasama with dlc. Katabi ko siya. Hihi.

Sinimulan ko ang araw by going to Gea’s, just like what I, together with Pauline and Isaiah have been doing for the previous days of alternative classes. Last time na pala yun, since last day na nga ngayon ng alternative classes. Nakalimutan ko pa nga ang gift ko kang Elyza dun sa bahay nila Gea. Fotek. Eh wala kase ako nung Christmas Party, kasi yun yung araw na bumaha sa amin. Kaya etoh, three days na ng umaandar ang pagkakalimutin ko.

Anyway, isa sa mga dahilan kung bakit kami’y pumaroon ay dinala na namin yung Vending Machine project para sa Math Song presentation namin. Napakataas ng kwento kung bakit sa lahat-lahat ng props ay vending machine pa yung napagsiyahan namin, HAHAH. Kaya yun, Gea’s father sent us to school with their car. Kalagitnaan lang ng travel nang napansin ko na na di ko na pala dinala yung gift. Eto nga pala picture ng “Vending Machine” namin. (Pauline’s the model, while Gea’s holding the Domain)

Sige. Tawa pa.

Nung FILIPINO time, gumawa kami ng slogan tungkol sa karanasan nga daw namin noong dumating si Sendong. Yung ginuhit ko sa Manila Paper ay parang isang taong tumatawa sa kalagitnaan ng sakuna. Kagrupo ko nga pala sina Ms. President Shirlene, Shaira, Earl A., Wilson, Lenai, at iba pa.  Di ko nakunan ng picture, lowbat kasi phone ko nun. FML.

Nang PE time, wala kaming pakels kung bababa ba (weird) kami sa covered courts or hintayin namin si Sir Migz. Saka lang naming na-realize na isa pala si Sir sa nasalanta, nang 30 minutes na kami late. May teacher na pumunta pa ng 4th floor para lang sabihing bumaba na kami. Nang nakaupo na kami sa benches, kasama ko ang isa sa mga closest kong classmates, si Andot. Wala na akong ibang masasabi pa tungkol sa kanya kundi ang kahusayan niya sa larangan ng sining. CHOS, ibig sabihin, magaling siya mag-drawing. Timing na timing talaga ako dahil dinala pa niya yung bago niyang doodle notebook.

Picture yan kahapon, TLE time. Nakalimutan kong i-blog. :)

BILIB na talaga ako sa batang to. Magkahawig na ata sila ni Vincent Van Gogh at si *insert-name-of-famous-artist-here-kase-wala-na-akong-ibang-kilala*.

Nang Science time naman, wala masyado kaming ginawa nung first period (two periods yung Science namin tuwing Wednesday). Nag-answer lang kami ng worksheets tungkol sa Leptospirosis. Important nga kase daw, lalo na ngayong na outbreak ito dahil ni Sendong. Sa second period na inumpisahan yung tuwaan. Si Sir Jan, Biology/Science teacher namin, napagsiyahan naming magtanghal ng pagsasadula tungkol sa pagkahawa ng sakit na Leptospirosis. FAIL din sa last dahil hindi kami nakapresent. Nagbell na kase.

Magkasama na rin pala kaming kumain ng lunch, kasama ang ibang classmates namin. Dun kami sa Covered Court kumain. Oo, COVERED COURTS. Ito na yata yung 3rd Canteen namin sa XUHS.

Pagdating sa Music Room, pinagpawisan na naman ako as usual. 2nd Floor yun ng Faber building. Kahit walking running distance lang naman ang travel, pinapawisan parin ako ng dalawang gallon ng tubig. De joke, isa lang. Cumompose kami ng Song tungkol sa Sendong. Sadly, time didn’t let us finish.

During English, binigyan kami ng assignment na gumawa raw kami ng story tungkol sa Sendong. Time, again, didn’t let us finish. Kaya I’m stuck here sucking out every seconds left blogging instead of finishing my story.

Eventually went home with Paul, other 2-Pro, Paza, and Antonette. 

Follow @fangkii