May good news! Kanina sa Morning Assembly, nag-expect kaming isasabi na yung results sa Music Recital last week, pero next week pa daw sabi ni Sir JP. Yung good news nga pala, napanalunan ni Hannah yung first place sa essay writing niya.

Kaya maya’t maya’y ibinigay din ni Ma’am Michele yung medal.

Ayan na naman si Mary, umeepal. Hahaha.

Kanina din pala sa Social Studies, nagstart na yung My Nationalist reporting. Ma’am said na the order of presentation would be voluntary. I didn’t volunteer. Period.

Sinimulan na ang reporting sa Florante at Laura. Dahil ikalimang pangkat kami, siguro’y next week pa kami magprepresent. At matre-train ko din ulit yung procrastination skills ko. Woohoo.

Anyways, it was Group 1’s turn today, and to be honest, wala talaga akong maintindihan. Hindi dahil ‘di sila ganun kahusay magreport, kundi mahina lang talaga comprehension skills ko when it comes to Filipino stories. Kahit gaanong taas ang gabay na talasalitaan, wala pa rin akong maintindihan. And while the presentation was going, I was doing nothing at all. Nothing at all… Nothing at all…

After another day sa school, nagsnacks kami sa SM. As usual, sa McDo kami. Naisipan kong i-avail itong coupon na ‘to. It was sulit, considering na Medium na ang Fries at Coke Float yung drinks.

Was with Andot, Rika, and Vee nga pala.

Vee eventually had to leave, kasi uuwi na ang ate niya. Nakalimutan niya yung English literature book niya sa table, so si Andot na daw dadala. Matapos nun, umuwi din ako, at nasplak kaagad sa kama. 

(Source: tumblrngisanglalake)

Follow @fangkii